(*Narito ang unang bahagi ng rebyu.)

Kailangang harapin ang mistulang paradoha unless mahulog sa bitag ng diwang ‘walang kwenta ang tula,’ at ang karugtong nitong ‘kung walang kwenta ang tula, bakit ba tayo naglalabas ng mga affidavit ng dahas?’ Provocative na panimula ng “Inutil ang Tula”: “Walang silbi ang mga kataga/ Kung ang katapat ay pulbura/ Na nakapaloob sa aserong punglo/ Na nakatutok sa mga ulo.”

Walang duda rito. Kung nangyayari ito mas sa literal na—at hindi sa simboliko o matalinghagang—larangan, malinaw na walang laban ang “pumpon ng mga salita” (kopya kay Jess Santiago) sa putok ng baril. Saka na i-invoke at usisain ang romantiko, ngunit no less true, na deklarasyong ‘Namatay man ang katawan, ngunit magpapatuloy ang diwang makabayan (kung saan kasama ang tula at iba pang sulatin sa posibleng daluyan ng nagpapatuloy ng diwa).’

Ang panukalang maniobra: sa maraming larangan ng digma umiiral, at magagamit ang tula. O mas generally: maraming hitsura at lunsaran ang digma kung saan pinadadaloy sa pamamagitan ng maraming porma (hindi lang tula) ang mithiing “wakasan ang pagsasamantala ng tao sa tao.” Sa tekstwal at biswal na insert ni Cian Dayrit, pinahiwatigan ang tunggalian sa mapang representasyon: “Maaari rin tayong gumawa ng mga mapa upang kontrahin ang dominanteng naratibo ng estado o korporasyon. Isasalarawan natin sa mapa ang karanasan at mga panawagan ng mamamayan.”

Ang mapa, ang tula, ang anumang kultural na anyo bilang posibleng kumukontra, tumataliwas. Ngunit kumukontra saan, tumataliwas kanino, lumalaban paano? Isang bagay ang pagkontra sa mga dominanteng representasyon (usapin ng content/nilalaman), kaugnay (hindi hiwalay) na bagay ang paglaban sa mismong batas at plataporma ng representasyon. Ito ang pag-uugnay na ginawa ni Walter Benjamin sa “The Author as Producer” upang bakahin ang dichotomies ng form-content; aesthetic at political tendencies/qualities: “The correct political tendency of a work thus includes its literary quality because it includes its literary tendency (diin sa orihinal). At kasama sa usapin ng literary qualities ang kalakarang nagpapagana at posibleng magpabago rito.

Kaya sa tulong ni Brecht, pinanawagan ni Benjamin that “certain works ought no longer to be individual experiences (have the character of works, na posibleng sobrang husay ‘pagkat avant-garde, radikal, experimental, etc.) but should, rather, concern the use (transformation) of certain institutes and institutions.”

Ang halaga, pati na rin husay, ng Affidavit ng Dahas, ay kapwa nasa mga nilalaman nito—sa mga naratibo at boses na binigyan nito ng puwang—at sa pagpapadaloy o pagkakalat ng koleksyong ito. Ano ang nilalaman: likha ng mga dumaranas ng dahas ng estado at paano sila natutuliro at tumitindig sa harap ng dahas na ito (“Siete (Para)bras” ni Angel Galimba, “Insert Laughter and Silence” ni Oconer at Kang, “Affidavit” ni Oconer); likha ng mga kaibigan at kapamilyang naghahanap, at umaasa sa pagbalik ng mga aktibistang dinukot ng estado (“People and places, ayon at para kay B” ni Perez, “Animnapung Araw” ng ina ni Bazoo de Jesus); o mga blangko, “nawawalang” piyesa na pupunan ng detaye kung saan at kailan pinawala sila Bazoo De Jesus at Dexter Capuyan at tala tungkol sa kanilang naging buhay bilang mga aktibista.

Nasa porma rin ng lunsaran at distribusyon ang halaga, pati na rin husay, ng Affidavit ng Dahas. Sa “Mga Tula Mula sa Patnugutan” nil Oconer at Tumaliuan: “Pinili namin ang porma ng zine bilang daluyan dahil sa likas na katangian nitong egalitaryo. Kritikal ang zine bilang uri ng paglilimbag ng mga saloobin at pagsusuri sa lipunan na direktang bumabangga sa dominasyon ng iilan sa pamamaraang madaling gawin at maakses ng kahit sino” (akin ang diin). Aspirational ang zine sa pagbaka sa mga umiigting na hirarkiya, at sa pagsasabuhay (aktwal > aspirational) ng mas demokratikong kondisyon ng paggawa at pagtanggap ng sining. Kritikal kapwa pagdating sa nilalaman at pagpapadaloy ng mga ito; sa dila ni Benjamin, mahalaga/valuable sa parehong criteria ng political tendency at literary quality.

At ang dayalektikal na pagtatapos: kakalat nang kakalat ang mga kontra-naratibong sining at hindi ipe-pedestal ang mga manlilikha bilang mga indibidwal na henyo. Put differently, higit na mangingibabaw ang kolektibong danas (na binigyang-porma ng mga indibidwal na kabahagi na danas na ito) kaysa sa indibidwal na talento o galing. Sipi nga (at salin) ni Neferti Tadiar* mula “Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon” ni Luna Sicat-Cleto: “The narrator’s elusive smell is like Sandali’s being: ‘S/he is like a poem, a poem has no name, if people name/expose a poem as a poem, it disappears, dissolves like bubbles, can never be held.’

(*Mula sa parehong pamilyang Tadiar ng Tadiar Library kung saan unang nilunsad ang zine, at kasalukuyang naka-consign upang ma-browse at mabili ng mga tao)

O mula sa “The Filipino Author as Producer” (hindi aksidente ang titular “nod” kay Benjamin) ni Chingbee Cruz, tungkol sa Ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz: “Instead of turning into a household name, Lacaba becomes obscure as his poem circulates more widely. To hail this growing anonymity as an achievement exemplifies the counterintuitive impetus that animates the avant-garde project: to create art that negates itself as well as the existing relations of author, audience, and artwork, …to dissolve the divide between and mutually transform art and life.”

Nagbibigay ng pangalan, hitsura at pagkakakilanlan ang Affidavit ng Dahas—kapwa sa mga dumaranas ng dahas ng estado, at sa mismong dahas na ito. Kasabay nito ang pagkilala at pagtaliwas sa dominanteng kondisyon ng produksyon ng panitikan upang mas mapakalat ang nilalaman nito. Transpormatibo: kapwa sa sining at sa buhay. Masining at pulitikal, tumatala ng, lumalagda sa affidavit kontra sa dahas ng estado.

Naka-spot ng kopya ng Affidavit ng Dahas sa Silingan Coffee sa Cubao Ex